PANALANGIN NG PLARIDEL WATER DISTRICT

 

O Amang Lumikha, ipinadala mo ang iyong Anak upang pakitaan kami ng mabuting halimbawa kaniyang hinugasan ang paa at sinilbihan ang kaniyang mga alagad.

 

Puspusin mo kami ng diwang dalisay nang lubos kaming makapaglingkod ayon sa iyong pamantayan.

 

Pagpalain mo po ang aming mga concessionaires upang madama nila ang mga kapakipakinabang dulot ng aming sama-samang paggawa.

 

Basbasan mo po ang aming mga manggagawa at namamahala upang sila ay sama-samang kumilos tungo sa pangkalahatang kapakanan.

 

Pagpalain mo po ang aming mga suppliers at contractors upang produkto at sebisyo nila ay maging daan sa pag-unlad ng aming patubigan.

 

Pagpalain mo po ang aming pamilya, sila po ang aming inspirasyon at para sa kanila kami ay nagsusumikap.

 

Basbasan mo po kaming lahat upang malasap namin ang tunay ng tagumpay dito sa lupa at sa kabilang buhay.

 

Hinihiling namin ang lahat ng mga biyayang ito sa pamamagitan ni Mariang aming Ina at ni Hesus na aming kapatid at manunubos.

 

Amen.